DAGUPAN CITY- Kritikal ngayon ang kalagayan ng isang residenteng nalapnos ang katawan matapos sumabog ang isang illegal na imbakan ng paputok sa Brgy. Tebeng, syudad ng Dagupan.

Habang nadamay naman sa pagsabog ang isang senior citizen.

Ayon kay Barangay Captain Mark Fiel, batay sa isang barangay tanod, kinuha pa sa loob ng naturang pagawaan ang nasabing nasa kritikal na kalagayan.

--Ads--

Sa kanilang pagdating sa insidente, nadatnan pa nila ang pagputok ng iba pang paputok sa loob habang rumerespunde ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagpahayag naman si De Guzman ng pagkadismaya sa nangyari dahil sa malaking epekto na naidulot ng isang illegal na gawain.

Nagpaalala naman siya na tiyaking may permit ang ipapatayong negosyo upang maiwasan ang naturang pangyayari.

Samantala, ayon naman kay Ronald De Guzman, Head ng Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office, na nakatanggap sila ng tatlong tawag hinggil sa nasabing malakas na pagsabog.

Aniya, naging malakas ang pagsabog dahil mula pa sa Barangay Caranglaan ang natanggap nilang tawag.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang pinag-mulan ng pagsabog.