Nasira bahay ng isang residente sa Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro dahil sa hagupit ng bagyong Crising.

Halos manlumo ito habang pinagmamasdan ang kanyang tinitirhan na unti-unting sinisira dala ng madamagang pagbugso ng hangin na ramdam sa naturang lugar.

Ang kanilang tahanan ay nakatayo kalapit lamang mismo ng tabing dagat.

--Ads--

Samantala, patuloy na kumikilos papalayo ng bansa ang Tropical Storm Crising sa katubigan ng Extreme Northern Luzon habang napanatili ng bagyo ang kanyang lakas.

Malawak ang kaulapang dala ng bagyo na siyang magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang sa mga susunod na araw.

Patuloy rin nitong palalakasin ang habagat na siyang magpapa-ulan rin sa mga lugar na nasa Western part ng bansa.