Isang residente mula sa barangay Polo sa lungsod ng Alaminos na nagpositibo sa COVID-19 Rapid Test noong May 28 ay nagpositibo rin sa Confirmatory Swab Test na isinagawa sa Chinese General Hospital and Medical Center.
Sa kasalukuyan ay nananatili siya sa isolation facility at walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 base sa huling pagsusuri na ginawa sa kanya ng City Health Office.
Naisagawa na ang contact tracing at kasalakuyan ang monitoring sa kanyang pamilya at lahat ng kanyang nakasalamuha.
Dahil dito naka-lock down ang purok na kaniyang kinabibilangan sa Barangay Polo.
--Ads--
Pinapayuhan ng city government ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at sundin ang mga health protocols upang malabanan ang nasabing pandemic.