BOMBO DAGUPAN – Isa pang kompanya ang nagpahayag ng interes na magtayo ng negosyo sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, presiding officer ng Sangguniang panlalawigan, ang CleanTech Renewable Energy Company ay nais na magtayo ng ilan pang sites sa lalawigan.

May existing na solar farms na ang kompanya sa bayan ng Santa Barbara ngunit target nilang magpatayo pang 2 sites sa bayan ng Infanta.

--Ads--

Sinabi ni Lambino na nakabili na ng lupa ang kompanya kung saan nakakuha na sila ng special lan used permit mula sa Department of Environment and Natural Resouces o DENR.

Maliban sa bayan ng Infanta ay may isa pang site silang tinitignan sa bayan naman ng Labrador.
Target umanong mag operate ang planta sa ikatlo o ikaapat na quarter ng 2025 at mailagay ang karagdagang 120 megawatts

Aminado si Lambino na kailangan ng karagdagang sources ng electrisidad hindi lang sa lalawigan ng Pangasinan kundi sa buong bansa dahil kapag pumasok ang development sa isang lugar ay tataas din ang power consumption.

Giit niya na maingat ang provncial government sa pagbibigay ng permit at pag apruba sa mga solar farms dahil kailangan na ang lupain na pagtatayuan ay hindi irigated na lupa o pang agrikultura.