Mga Kabombo! isa ka ba sa mga taong magagalitin?

Ano ang kaya mong gawin kapag dinatnan ka na ng inis?

Isang recruiter kasi mula sa London ang naging viral matapos mag-post ng larawan ng kanyang sirang keyboard dahil sa galit sa isang aplikante matapos i-reject ang kanyang job offer.

--Ads--

Isang recruitment consultant ang nagbahagi ng larawan at ipinaliwanag kung ano ang nangyari.

Ayon sa kaniya, ang kandidato ay nakatakdang dumaan sa pangalawang interview ngunit hindi ito dumating.

Makalipas ang kalahating oras, nag-text ang kandidato at sinabing tinanggap ang ibang job offer.

Nag-viral ang post at nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga users.