Huli pero hindi kulong ang isang magnanakaw sa isang bahay sa New York, USA kahit pa man nakita ito sa aktong pagnanakaw ng isang package.
Bakit nga ba? Dahil ang sinasabing magnanakaw ay isa pa lang raccoon.
Ayon sa nabiktimang residente ng Plattsburgh, ang kinuhang package ay naglalaman pala ng pet food na may halagang $93 o higit P5,300 at ito ay nakatakdang kukunin ng isang shipping company upang ibalik sa seller nito.
Nakita sa security camera, ang paglamutak nito sa package at tila pag-mukbang sa nilalaman na pagkain.
Gayunpaman, hindi lang pa pala ito ang unang beses na namataan ang raccoon sa naturang bahay dahil ilang beses na rin itong nakuhanan ng camera na kinakalikot ang mail bin tuwing gabi.
Bagaman ‘for return’ ang package, naintindihan pa rin ito ng seller at nag-issue ng full refund.