DAGUPAN, CITY— Isinailalim sa 2 linggong lockdown ang compund sa Purok Tibker ng Barangay Domanpot sa bayan ng Asingan kung saan naitala ang 3 panibagong kaso ng COVID-19 epektibo kahapon September 23 hanggang October 6 ng kasalukuyang taon sa ilalim ng ibinabang Executive Order No. 038 – 2020.

Magsasagawa ng disinfection sa naturang compound habang nakalockdown para mauwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Bunsod nito pumalo na sa 13 ang kabuuang bilang ng natamaan ng COVID-19 sa naturang bayan.

--Ads--

Lahat ng residente sa naturang compound ay hindi pinapayagang lumabas at kinakailangang sumailalim sa mandatory 14-days home quarantine at necessary health evaluation at test.

Gayundin, kailangang icoordinate sa BHERTs ang pagbili ng mga basic commodities at personal na pangangailangan habang sumasailalim sa quarantine.Una rito, base sa opisyal na pahayag ng Asingan Task Force against COVID-19, ang mga pasyente ay umuwi sa Asingan mula Italy noong Marso 11 at nakatakda sanang lumipad pabalik kayat sumailalim sa swab test sa isang ospital sa Dagupan City noong September 22.

Kasalukuyang asymptomatic ang mga pasyente na may local travel history din sa Urdaneta City at Dagupan City.Hinihintay pa ang direktiba mula sa PHO sa paglilipat sa mga ito sa ospital.

Dadaan sa swab test ang kanilang mga direktang nakasalamuha na inaabisuhang magquarantine sa loob ng 14 na araw.