Dagupan City – Mga kabombo! Naranasan mo na bang sumakit ang iyung ngipin?

Marahil marami sa inyo ang relate at talagang aligaga kung paano gagamutin ang iniindang sakit nito.

Kung saan maramin mga umiinom ng mga mifinamic para maibsan ang sakit.

--Ads--

Ngunit ibahin niyo ang nakagawian sa Nepal. Dahil pumupumnta sila sa tinatawag na “Toothache Tree”.

Ayon sa ulat, matatagpuan ang milgarosong puno sa Vaisha Dev Shrine sa Kathmandu sa Nepal na tinagurian na ring isang tourist attraction.

Ang istura kasi nito ay hindi na mukhang bahagi ng punongkahoy, dahil sa dami ng nakapakong barya rito.

Binansagan ang Vaisha Dev bilang Newar goddess of toothache. Ang Vaisha Dev Shrine naman ay sinasabing kaputol ng isang mythical tree na tinatawag na Bangemudha.

Lumalabas naman na hindi na rin matiyak kung gaano na katanda ang punong-kahoy na ginamit sa Vaisha Dev shrine.

Kung saan may mga claims sa Nepal na naroon na ang pungkahoy noong panahon pa ng Lichchhavi Kingdom na nag-exist sa Kathmandu Valley mula 400 to 750 Common Era—o ang 1st millennium, ang 50th year ng 8th century, at 1st year ng 750s decade.

Samantala, kahit na maituturing naman na mga moderno na ang teknolohiya pagdating sa dentistry sa Kathmandu, may mga tao pa ring nagpupunta sa Toothache Tree para maglagay ng coins, at umaasang papawiin ni Vaisha Dev ang kanilang dental problems.