Sinampahan ng kasong attempted homicide ang isang pulis at anim pang indibidwal matapos na pagtulungang bugbugin ang kanilang sariling pinsan na isang barangay tanod sa sitio Gueteb ng Barangay Umando sa Bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Positibong tinukoy ng 35 anyos na biktima na si Orlando Boquiren De vera, ang pitung suspek na sangkot sa naturang insidente kung saan nasa kamay na ng kapulisan ang 3 dito na kinilalang sina P/Cpl Alfredo De Vera Boquiren na isang pulis na naka-assign sa Sto. Tomas MPS, Joker Pitchay Garcia, 19 anyos at Benjie Baltazar Boquiren, 18 anyos habang at large naman ang apat pa sa mga suspek na sina Arturo De vera Boquiren, Justin De Guzman, John Patrick De guzman at Arjie Perez.

Ayon kay Police Chief Master Seargent Erwin Hermosura, chief investigator ng Malasiqui MPS, nag-ugat sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magpipinsan matapos na insultuhin at hamunin ng patayan ng isa sa mga suspek na si Arturo De vera Boquiren ang ama ng barangay tanod na si Geronimo Manzon De vera.

--Ads--

Nang puntahan ng barangay tanod kasama ang kaniyang kapatid ang kanilang pinsan na si Arturo Boquiren para kastiguhin doon na pinagtulungang bugbugin ang barangay tanod kung saan hinawakan ng mahigpit ng pulis na suspek ang mga braso ng biktima at sinabihan ang mga kamag-anak at kaibigan na di umano’y nasa impluwensiya ng alak para bugbuhin ang biktima.

Nagtamo ang biktima ng injury sa ulo at tainga na agad na isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City.

Naisampa na sa korte ang kasong attempted homicide laban sa mga suspek habang naghain na rin subpoena sa apat na nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap pa.

Maliban naman sa kinakaharap na criminal case ay iimbestigahan din ang kasong administratibo ang sangkot na pulis na si PCpl. Alfredo Boquiren.

Police Chief Master Seargent Erwin Hermosura, chief investigator-Malasiqui MPS