Tinatayang nasa P250,000 ang halaga ng pinsala sa insidente ng sunog sa isang poultry farm sa Sitio Buccot ng Brgy. Rosario sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.
Rumesponde ang mga kawani ng Pozorrubio MPS, katuwang ang BFP Pozorrubio at nagkaroon din ng augmentation mula sa mga kalapit na fire station mula Laoac at Manaoag sa nasusunog na poultry farm na pagmamay-ari ni George Bistro, 52 anyos na residente ng nasabing lugar.
Ayon kay SFO1 Alvan Limos, arson investigator ng Pozorrubio Municipal Fire station, nasa 17,000 na sisiw ang nadamay sa sunog.
Ayon sa may-ari ng poultry farm, napansin nilang sumiklab ang sunog bandang alas-8 ng gabi sa loob ng kaniyang poultry farm na nagtulak sa kanya upang humingi ng tulong.
Patuloy pa rin ang gingawang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog bagamat sa kabutihang palad ay walang naiulat na taong nasawi.
Idineklarang namang fire out dakong 10:30 na ng gabi.
Ito ang unang non-residential fire incident na naitala sa buwan ng Enero sa bayan ng Pozorrubio.