Mga kabombo! Mahilig ka ba sa itlog?

Eh paano kung ang isang itlog ay nagkakahalaga ng P14,926? Itlog is life pa rin ba?

Ito lang naman kasi ang presyo ng isang itlog sa isang auction na ginanap sa United Kingdom.

--Ads--

Ayon sa ulat, ang ganitong itlog na bilog na bilog ay bihirang ipangitlog at itinuturing na “one-in-a-billion egg.”

Kinilala naman ang unang owner nito na si Ed Pownell, na mula sa Lambourn, Berkshire, na unang binili ang itlog sa halagang P11,193. sa isang auction matapos niyang malasing—at wala umano siyang idea kung bakit niya ginawa iyon.

Muntik pa aniya itong iluto, ngunit, nung nalaman nitong “one-in-a-billion” ang paglabas ng ganitong hugis ng itlog, hindi niya iyon iniluto.

Hanggang sa napagdesisyunan itong dalhin sa isang auction house, upang ipabenta noong August 2024.

Agad naman itong ipina-deliver sa tinitirahan ng itlog, upang i-preserved at tinanggalan na ng egg yolk at egg white. Ibig sabihin, shell na lang ang natitira sa egg.

Kalaunan, napagdesisyunan niya itong idinonasyon sa Iuventas Foundation, isang charity na nagkakaloob ng mentoring, life coaching, and mental health support sa mga kabataan sa Oxfordshire.

Noong una, inisip ng mga namamahala sa foundation na isang “joke” ang donasyong itlog ni Ed.
Pero maging sila ay nakita ang potential at market value niyon dahil nga sobrang perfect ang pagiging bilog.

Nang kumalat sa social media ang tungkol sa itlog at ang posibilidad na ipa-auction iyon hanggang sa nakalikom ang foundation ng kabuuang P373,109 mula sa pinagbentahan sa itlog at iba pang items na kasabay nitong ipina-auction.