Nagkakaroon na umano ng deskriminasyon sa bansang Italy kung saan naging maselan ang ilang mamamayan doon kapag sila ay nakakakita ng Chinese dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa katunayan, sa ipinost na video ni bombo correspondent Susana Sevilla, tubong barangay Inamotan, Manaoag, at kasalukuyang nagtratrabaho sa Roma, Italy, nasaksihan ang isang insidente sa loob ng isang supermarket kung saan sinuntok ng isang Italyano ang isang Pinoy na napagkamalan niyang Chinese.
Napamura umano ang Pilipino na hindi siya Chinese kundi Pilipino.

Samantala, sinabi ni Sevilla na ipinasara na ng pamahalaang Italy ang mga negosyo ng mga Chinese sa takot sa COVID 19.

--Ads--

Sa usapin namang facemask, maselan ang mga tao doon at ayaw nilang bumilii ng face mask na made in China kundi made in Germany.

BOMBO CORRESPONDENT SUSANA SEVILLA

Sinabi pa niya na hindi pa natatapos ang winter season sa nasabing bansa kaya’t nananatili pa rin ang banta ng COVID 19 pero matapos ang winter ay inaasahang mamamatay ang kumakalat na virus.

Nabatid na wala pa ring pasok ang mga estudyante at ipinagbabawal din ng gobyerno ang mga malaking pagtitipon.

Sa ngayon ay mahigpit na pinag -iingat ng Philippine embassy ang Filipino community para sa kanilang kaligtasan.