DAGUPAN CITY- Tinakbuhan na lamang ng isang motorista ang isang pedestrian sa bayan ng Sto. Tomas matapos nitong mabundol

Ayon kay PCPL. Rodel Marlon Valerio, Investigator on Case ng Santo Tomas PNP, kinilala naman ang biktima na si Raul Mendoza, 45 anyos, self-employed, residente ng A. Mabini St. Malate, Brgy. 701 sa Manila. Namataan naman nila ang suspek na tricycle driver sa bayan ng Villasis.

Base sa imbestigasyon, dakong 2:30 ng hapon , naglalakad lamang ang biktima sa side walk ng Provincial Road sa nasabing bayan. Ilang saglit lamang, nabundol ito ng isang mabilis na tricycle at tinakbuhan ito.

--Ads--

Bilang resulta, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima. Tinakbo naman ito sa ospital sa bayan ng Rosales para bigyan ng atensyong medikal.

Depensa naman ng tricycle driver, nakaidlip ito dahil sa pagod nito sa pagbebenta ng gulay sa lungsod ng Urdaneta.

Maaari naman maharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury.