DAGUPAN CITY- Natupok ang isang pinapaupahang residential house sa Brgy. Pantal, sa lungsod ng Dagupan matapos sumiklab kagabi ang sunog.
Ayon kay Orlando flore, Officer in Charge Executive at Chief Tanod ng naturang lugar, dakong 6:12 ng gabi nang makatanggap ang Bureau of Fire Protection-Dagupan ng tawag ukol sa nasusunog na bahay.
Dali-dali nila itong nirespundehan upang apulahin ang sunog. Bagaman nakatulong ang pag-ulan sa kanilang operasyon subalit, mabilis pa rin natupok ang bahay dahil gawa lamang ito sa light materials.
Aniya, dalawang bahay sa isang parentahan ang nasunog, subalit wala naman nasaktan o nasugatan sa insidente.
Naging katuwang naman ng BFP-Dagupan ang Panda Volunteers at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), at maging ang BFP-Binmaley.
Samantala, dagdag pa niya na binuksan ng kanilang Brgy. captain ang Barangay Hall para sa mga apektadong lugar subalit mas gusto ng mga naapektuhan na manuluyan sa kanilang kaanak.
Dakong 7:20 kagabi nang maideklarang fire out ang sunog.
Patuloy pa rin inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog dahil ayon sa ilang residente na kuryente ang pinagmulan nito.
Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog dahil ayon sa ilang mga reisdente na kuryente ang pinagmulan nito.
Dakong 7:20 naman ng maideklarang fire out ang sunog
Pansamantala naman nawalan ng kuryente ang ilang kabahayan habang inaapula ang sunog at agad din binalik matapos maapula ang sunog.