Nasawi ang isang pasahero ng isang hijacked na Metro Bus sa Los Angeles, California matapos itong barilin ng suspek.

Umabot sa halos higit isang oras ang paghahabol ng mga pulis sa nasabing bus hanggang sa bumagal na ang takbo nito nag tahakin ang daan patungong Vermont Knolls. Bumagal na lamang ito nang gamitan na ng kapulisan ng kanilang spike strips at tsaka pinalibutan ng SWAT team.

Nagsimula ang habulan sa South Figueroa Street at Manchester Avenue, 12:45 ng hating gabi sa kanilang oras.

--Ads--

Nagkaroon pa ng ilang pagsabog sa palibot ng bus bago ito pasukin ng mga kapulisan na may mga kalasag. Nakatakas naman ang isang pasahero nang dumaan ito sa bintana. Kasunod nito ang drayber ng bus na dumaan naman sa kabilang bintana.

Maliban sa nasawi, wala naman naitalang sugatan. Hindi naman kinilala ang nasawi at ang suspek.