Nasawi ang 19 sakay ng isang bus sa Nepal matapos itong mahulog sa tabing ilog sa central Dhading district.
Ang bus na mula Pokhara ay may sakay na 44 katao, kabilang na ang driver, at 25 sa mga ito ay sugatan.
Patungo ang naturang sasakyan sa Kathmandu nang mawalan ito ng kontrol at mahulog sa lalim na 200 meters sa tabing ilog ng Trishuli river.
--Ads--
Bumuo naman ang Nepal ng five-member taskforce upang imbestigahan ang ugat ng insidente.
Kabilang naman sa nasawi ay isang 24 taon gulang na Briton at nagbigay tulong na ang UK Foreign Office sa pamilya nito.










