DAGUPAN CITY- Mga Ka-bombo! Ika nga ng iba, sa mundo ng sining, walang pangit, at walang maganda, walang rules at may kalayaang gumawa ang isang artist ng kaniyang natatanging obra. 

Ngunit, tila ginawang literal sa Thailand ang katagang ito nang gawing art canvas ang isang palayan.

Isang bukirin kasi na may lawak na dalawang ektarya sa Northern Thailand ang naging isang kamangha-manghang likhang-sining may likhang dragon at pusa. 

--Ads--

Isa umanong mga simbolo ng pag-asa at lakas ng loob habang bumangon ang komunidad mula sa mga pagbaha ang ginawang obra.

Ayon kay Tanyapong Jaikham, may-ari ng bukirin, ang pusa ay kumakatawan sa mga residente ng kanilang bayan sa Chiang Rai na tinamaan ng isang  disastrous na pagbaha noong nakaraang taon. 

Samantalang ang dragon, na simbolo ng zodiac noong nakaraang taon, ay ipinakitang pinoprotektahan ang pusa.

Matapos ang isang buwang masusing pagpaplano at pagsasagawa, gumastos ang mga gumawa nito ng humigit-kumulang 500,000 baht o $14,500 para sa proyektong ito. 

Inilunsad naman ang kamangaha-manghang artwork sa publiko, ngunit ayon kay Tanyapong, hindi pa sila handa para sa maraming bisita.