Naalarma ang isang paaralan sa Urdaneta City matapos umanong makatanggap ng bomb threat.

Ayon sa panayam kay Police Captain Noel Parreño, ang Chief operation officer ng naturang syudad, agad na rumesponde ang Urdaneta City PNP nang may isang concerned citizen na lumapit sa kanilang himpilan upang ireport ang isang bag na kanilang natagpuan sa isang CR ng senior high building na naglalaman umano ng bomba.

Nang kanila aniyang gamitan ng bomb sniffing dog ay napag-alamang cellphone charger at bato lang naman ang laman ng bag ngunit mayroong sulat na nakalakip dito.

--Ads--

Ibinahagi naman ni Parreño ang laman ng sulat kung saan ang nakasaad dito ay isang paghingi ng paumanhin at pagbabanta na hawak umano ng suspek ang remote ng bomba at mayroon pang isang bag sa 4th floor maging sa building ng Grade 10.

Base sa kanilang imbestigasyon, kasalukuyan pa nilang inaalam kung sino ang nasa likod nito at kung mayroon nga ba talagang nag-iwan ng bomba sa naturang paaralan ngunit hinala nila na isang estudyante lang din ang may gawa base sa sulat kamay at sa papel na ginamit dito.

TINIG NI PCAPT. NOEL PARREÑO


Dagdag pa ni Parreno na agad namang bumalik sa normal ang klase nang mapag-alamang hindi naman pala bomba ang laman ng naturang bag.