Mga kabombo! Isa ka ba sa mga may fear of heights?

Aba! Baka hindi ka pumasa sa klase?

Ito kasi ang requirement ngayon sa isang high school sa Changhua County sa Taiwan.

--Ads--

Kinilala ang paaralan na Ershui Junior High School, kung saan ay may kakaibang final requirement ang mga estudyante.

Paano ba naman kasi, bago nila mahawakan ang kanilang diploma kinakailangan muna nilang akyatin ang isang rock climbing wall na kasing-taas ng limang palapag na gusali.

Ang nasabing wall ay may taas na 15 meters at itinuturing na pinakamataas na climbing facility sa loob ng isang paaralan sa buong Taiwan.

Seryoso ang administrasyon sa polisiyang ito kaya’t bahagi ng kanilang curriculum ang anim na climbing lessons kada linggo.

Layunin umano nito na hindi lang subukin ang pisikal na lakas ng mga kabataan, kundi pati na rin ang kani­lang focus, balance, at lakas ng loob na harapin ang takot.

Bagama’t nakakalula ito para sa karamihan, ngunit para sa mga estudyante sa Ershui ay sisiw na lamang ito.

Sa katunayan, ,arami sa kanila ang nag-e-enjoy at ginagawa pa itong bonding activity kasama ang kanilang mga magulang tuwing weekend.