BOMBO DAGUPAN- Isang oso o bear ang bumisita sa isang bahay sa California, hindi upang gumawa ng gulo, ngunit nagrelax ito sa hot tub.

Ayon kay Joie Rushing, ang may ari ng bahay, huli sa security camera ng kanilang bahay sa San Bernardino County ang pagdating ng isang oso at paglublob nito sa hot tub sa cabin deck ng bahay.

Nakita pa umano sa video ang pagbukas nito sa cover ng hot tub at pag akyat nito para ilublob ang kalahati ng katawan nito.

--Ads--

Pinuntahan din nito ang malapit na inflatable pool ngunit agad din nitong nilisan matapos itong mabutas ng kaniyang matulis na kuko at umagos ang tubig sa cabin deck.