Pinagbawalan na ng Israel ang Médecins Sans Frontières (MSF) mula sa pagtatrabaho nito sa Gaza matapos ang pagtanggi nitong magbigay ng mga listahan ng kanilang staff sa loob ng nasabing lugar.
Ang nasabing pagtanggi ay matapos ipag-utos ng gobyerno ng Israel ang pagsumite ng 37 organisasyon ng kanilang dokumento hinggil sa lokal at international workers nila sa Gaza.
Natutunugan kase umano ang pagiging konektado ng ilang MSF sa Hamas at Islamic Jihad.
--Ads--
Inanunsyo ng MSF ang hindi nila pagbahagi ng listahan ng kanilang mga Palestinian at Interntational staff sa mga awtoridad ng Israel sapagkat hindi umano nito tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.
Bilang tugon, pinagbawalan nila ang anumang aktibidad ng MSF sa Gaza.










