Mga Ka-bombo! Sawa ka na ba sa traffic?
Bakit hindi mo subukang lumipad gamit ang kotse!
Posible iyan, dahil isang makabagong sasakyan na tinatawag na Flying Car sa California ang matagumpay na nakalipad sa unang pagkakataon matapos ang ilang mga testing.
Ang sasakyan mula sa Alef Aeronautics, na nagkakahalaga ng $300,000, ay maaaring gamitin bilang ordinaryong kotse sa kalsada, ngunit may mga propeller sa harap at likod na nagbibigay-daan dito upang mag-take off anumang oras.
Ginagamit ng sasakyan ang distributed electric propulsion at isang mesh layer na sumasakop sa mga propeller blades, kaya’t nagawang umangat ng sasakyan mula sa lupa.
Ang prototype na ginamit sa pagsubok ay isang ultralight na bersyon ng Alef Model Zero.
Ayon kay Jim Dukhovny, CEO ng Alef, inihalintulad niya ang tagumpay na ito sa historical na video ng Wright Brothers noong 1903.
Dahil dito, bumilib ang mga tao at may mga nagpahayag na nais nilang magkaroon pa ng mgas madaming flying car.