Handa ka pa rin ba tumulong kung maaari mo rin ikapahamak ang iyong tutulungan?
Nagkaisa ang mga residente ng Ardrossan, Australia sa pagsalba sa isang pating na napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat. Nang kanilang lapitan ito, hindi lamang pala ito simpleng pating dahil isa pala itong Great White Shark o ang pinakadelikadong pating sa mundo.
Ayon sa mag-amang sina Nash at Parker Core, low tide nang panahon na ito at nanghuhuli lamang sila ng mga alimango nang mamataan ng mga tao ang nasabing pating.
May kahabaan na tatlong metro ang pating na napadayo lamang sa dalampasigan.
Hindi naman nagdalawang isip ang mga residente at ang mag-ama na magtulong-tulong para maibalik ang pating sa karagatan.
Ani Nash, kapansin-pansin din kase sa pating na pagod na pagod na ito at wala nang sapat na lakas kaya sa likod ng maaaring peligro, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ito.
Naging matagumpay naman ang kanilang rescue operation at walang nasaktan sa mga tao.