Patay ang isang Municipal Councilor sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan matapos  barilin ng mga hindi nakikilalang suspek .

Kinilala ang biktima na si  Municipal Councilor Virgilio Calizo Jr., residente ng barangay Guebel, San Jacinto.

Ayon kay Police Staff Sergeant Rogelio Catabay ng PNP San Jacinto  sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nangyari ang pamamaril dakong 8:30 kagabi sa kahabaan ng barangay  Imelda,  San Jacinto.

--Ads--

Sakay ng  van ang biktima nang biglang lapitan at barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Tinamaan ng bala sa ulo ang biktima na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.