Patay ang isang motorista matapos sumalpok ang sasakyan sa waiting shed sa barangay Pulong Sur, sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jesse Paramio, 43 anyos at residente ng barangay Guliman, Malasiqui.
Ayon sa imbestigasyon, umuulan nang mangyari ang aksidente at dahil madulas ang daan at mabilis ang patakbo ay tumama sa ang sasakjyan sa konkretong waiting shed.
--Ads--
Walang suot na helmet ang biktima kaya posibleng nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo na sanhi ng kanyang ikinasawi.
Bago nangyari ang aksidente, nagpaalam ang biktima na dadaan sa kanyang trabaho.