Binabatayan ng isang motion-detecting robot wolves ang isang bayan sa Japan laban sa mga ligaw na oso.
Ayon sa ulat ng mga opisyal sa Takikawa, sa isla ng Hokkaido, ikinakabahala umano ng mga residente doon ang pagdami ng mga pag-atake ng oso sa mga kabahayan sa nasabing lugar kaya naman naisipan nilang bumili ng dalawang Monster Wolves, robotic guard canines na ginawa ng isang machinery firm na Ohta Seiki sa pakikipagtulungan sa isang lokal na unibersidad.
Gawa ang mga robot wolves sa metal at binalot ng pekeng balahibo upang magmukhang totoong lobo. Mayroon din itong motion detectors upang maactivate ang mga ito.
Mayroong pulang ilaw ang kanilang mga mata, naigagalaw din ng mga nito ang kanilang ulo, at nakakalikha ng ululong at ilan pang tunog na nagagawa ng totoong hayop.
Ginawang paraan ito ng mg residente sa nabanggit na lugar upang mataboy ang mga mapanganib na mga oso sa mga kabahayan at nang maiwasan na rin ang pag-atake ng mga ito sa mga tao roon.
Ayon pa sa mga opisyal ng naturang lugar, epektibo umano ang pananakot ng kanilang mga robots.
Matatandang may nabuhay ring mga lobo sa nabanggit na bansa ngunit sila ay naging extinct pagsapit ng 20th century.