BOMBO DAGUPAN – Kinumpirma ng Davao regional police na isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nasawi sa gitna ng operasyon ngayong araw ng daan-daang pulis para magsilbi ng warrant of arrest kay evangelist Apollo Quiboloy sa compound ng religious group.

Ayon sa isang ulat, sinabi ng Police Regional Office (PRO) XI na isang lalaking KOJC member ang namatay dahil sa atake sa puso.

Nasawi ito habang ipinapatupad ng pulisya ang warrant sa KOJC compound sa Buhangin District, Davao City.

--Ads--

Dagdag pa dito ay ideneklarang dead on arrival sa ospital ang lalaking KOJC member.

Samantala, ang mga ambulansya ay nagbigay ng tulong sa hindi matukoy na bilang ng mga tao sa lugar.

Ang mga yunit naman ng pulisya na dinagdagan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Civil Disturbance Management unit, ay naka-deploy sa lugar mula madaling araw upang ihatid ang warrant.