Mga kabombo! Sabi nga nila ang asawa mo ay kasama mo sa hirap at ginhawa, ngunit paano kung ang Mister mo pala ang magbibigay ng kapahamakan sa’yo?

Nahaharap kasi ngayon sa paglilitis ang isang 71-anyos na mister at 50 pang lalaki sa France dahil sa paggamit ng illegal na droga at panghahalay sa isang babae sa loob ng halos isang dekada?

At ang biktima, walang kamalay-malay sa ginagawa sa kaniya ng asawa sa loob mismo ng kanilang tahanan.

--Ads--

Ayon sa ulat, lumalabas umano na iniaalok ng mister ang kaniyang asawa sa iba’t ibang mga lalaki sa website para makatalik at mai-video pa.

Kung saan ay umabot pa umano sa 50 lalaki ang nakasama bilang akusado sa krimen ng panggagahasa na siyang nangyayari mismo sa kaniyang asawa kapag nawawalan na ito ng malay matapos gamitan ng mister ng droga o gamot.

Ayon naman sa biktima nalaman na lamang niya umano ang nangyari matapos sabihin ito ng mga pulis.

Kaugnay nito, nalaman na lamang ng mga ahensya ang ginagawa ng suspek nang aksidenteng nabisto ng mga ito ang ginagawa ng mister sa kaniyang asawa nang magreklamo ang ilang babae na bini-videohan sila nito sa ilalim ng kanilang palda sa isang supermarket.

At nang arestuhin ang suspek at suriin ang cellphone, nakita ang mga larawan at video sa ginagawang pang-aabuso ng mga lalaki sa kaniyang walang malay na misis.