DAGUPAN CITY- Arestado ang isang 17 anyos na menor de edad sa bayan ng Rosales matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng Rosales PNP, sa tulong ng Philippine Drug Enfrocement Agency.
Ayon kay PCapt. Sherwin Sinang, Deputy Chief of Police ng Rosales PS, isa umanong Child in conflict with the law ang nakumpiskahan nila ng 2 sachet ng hinihinalang dried marijuana, 3 sachet na may laman ng dried marijuana leaves, at 2 P100 bill mark money.
Ayon sa kanilang imbestigasyon, sinabi mismo ng suspek na kaniyang ibinebenta din ito at kung minsan ay personal niyang ginagamit.
Anila, kinukuha ng suspek ang suplay ng hinihinalang dried marijuana leaves sa mga karatig bayan.
Samantala, dinala naman sa Municipal Social Welfare & Development-Rosales ang suspek upang panagutin sa kasong kinaharap. At pag dumating ang legal na edad ay ililipat din siya sa kustodiya ng mga kapulisan.