Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ang alkalde ng bayan ng Santo Tomas habang nirelieved ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang hepe dahil sa paglabag sa mga alintuntunin ng lockdown o enhance community quarantine o ECQ.

Sa kabila ng pagbabawal sa mass gathering, maraming bisita na dumalo sa birthday party ni Santo Tomas Mayor Timoteo “Dick” Villar III kasama na dito si Santo Tomas Police chief PCPT Peter Paul Sison.

Makikita sa video na kinakamayan pa ni Villar ang mga dumalo at wala ring social distancing.

--Ads--

Makikita rin sa video na hawak ni Sison ang cake ng celebrant.

Bilang tugon, agad na nirelieve ang hepe para sa isasagawang imbestigasyon samantalang ang alkalde kasama ang ilang indibidual ay iimbestigahan din.

Ayon naman sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, agad nagbigay linaw ang alkalde na ang pagtitipon sa kanyang bahay ay hindi selebrasyon o party.

Aniya, personal na nagtungo sa kanyang bahay para batiin siya ang ilang local officials na nagmamando ng checkpoints.

Giit niya na may social distancing at wala ring nangyaring handaan, pagbati lamang at pasasalamat Ang nangyari.

Sa aligasyon naman na paglabag sa curfew, nilinaw din niya na gabi na nakapunta doon ang mga bumati sa kanya dahil tinapos muna ang kanilang checkpoint duties.

Kaugnay nito, nanawagan sa publiko si Provincial director P/col Redrico Maranan na sumunod sa mga alintuntuin.

Hindi aniya kokonsintihin ng PNP ang sinumang government official at uniform o PNP personnel na lalabag sa mga alituntunin ng ECQ.