LOGAN SQUARE NEIGBORHOOD, CHICAGO — Mga ka-Bombo, kung bibigyan ka ng tyansa na bumunot ng armas laban sa isang magnanakaw, ano ang gagamitin ninyo?

Isang lalaki kasi mula sa Chicago ang gumamit ng isang kawali upang itaboy palabas ng ng kanyang bahay ang isang magnanakaw.

Pauwi kasi ng kanyang bahay kamakailan ang isang lalaki na kinilalang si Jason Williams nang makatanggap ito ng security alert sa kanyang phone application na mayroong burglary attempt sa kanyang bahay sa Logan Aquare neighborhood sa Chicago.

--Ads--

Ayon sa notification na kanyang natanggap, may nakapasok sa loob at posibleng nagnanakaw sa kanyang bahay. Dali-dali naman itong kumilos at nang makarating ito sa kanyang tirahan ay maingat itong pumasok sa loob.

Dito na nga ito kumuha ng kanyang “armas” laban sa kawatan, at ang una nitong nahagip ay ang kanyang kawali. Pagpasok nito sa kanyang bahay ay naabutan pa niya ang kawatan na buong tapang naman nitong hinarap at hinampas sa ulo gamit ang kawali.

Sa gulat na rin ng kawatan, wala na itong ibang nagawa kundi tumakas.

Makikita sa security footage ng bahay ni Jason ang pagtakas ng magnanakaw papalabas ng bahay, hinabol naman ito ni Jason na bitbit pa ang kawali.

May pagkakataong nasukol niya ito sa bakuran at nahampas muli ng kanyang armas bago pa ito tuluyang nakatakas.