DAGUPAN CITY- Hindi man biro ang paglalakad sa kilometrong layo subalit, tila walking distance lang para kay Lito de Veterbo, Master LNT, ang layo ng Pagudpud, Ilocos Norte hanggang Glan, Saranggani.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya, layunin ng kaniyang journey ay ang pagpromote ng ‘environmental awareness’ habang kinakamit ang maging kauna-unahaang Pilipino na nilakad ang buong Pilipinas.
Aniya, naging hamon lang sa kaniya sa loob ng 5 buwan ay ang pananatili ng kaniyang kaligtasan.
Kung saan tinitiyak niya parati kung ang lugar na kaniyang dadaanan ay matao ba o liblib.
Hindi rin niya agad pino-post online ang kaniyang kinaroroonan upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang paglapit ng mga kawatan.
Maliban pa riyan, tiniyak niya na nasa magandang kalagayan ang kaniyang kalusugan sa buong paglalakad niya.
Ibinahagi naman niya na matapos ang limang buwan paglalakad ay naging maayos ang kaniyang kalagayan.
Samantala, sa mga nais din gawin ito, ani Veterbo na dapat tiyakin na nasa magandang kondisyon ang pangangatawan, pisikal man o mentalidad.