DAGUPAN CITY — Hinahangaan ngayon ang isang market marshall sa lungsod ng Dagupan matapos magbalik ng pera na kaniyang napulot sa tunay na nagmamayari nito.
Batay sa nakalap na impormasyon ang tapat na Market Marshal na kinilala bilang si Crizaldy Gaerlan ay nakahanap ng plastic-wrapped envelop sa Galvan St, sa naturang lungsod kung saan ito nakadeploy.
Bagamat may malaking halaga ng pera sa loob ng envelope ay hindi ito nagdalawang isip na dalhin ito sa Market Marshals’ Office upang makatulong sa paghahanap ng nagmamayari nito.
Napag-alaman na ang envelop ay nagkakahalaga ng P12,975 cash at senior citizen ID ng isang nagngangalang Daniel Romero Ferrer mula sa Barangay Pantal.
Nawala ng nagmamayari ng naturang envelop ang kaniyang gamit habang papunta sa MacAdore Market.
Nang matanggap naman nito ang kaniyang gamit ay malugod nitong pinasalamatan ang naturang market marshal dahil sa pagbabalik nito ng pera.
Pinuri naman ni Market Mashal chief Michael Hernando si Gaerlan para sa kaniyang katapatan at dedikasyon sa kaniyang tungkulin. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)