Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pamamaril na ikinamatay ng isang manager ng funeraria sa Bonuan Gueset dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nilapitan ang biktima ng hindi nakikilalang salarin at biglang pinagbabaril habang siya’y abala sa kaniyang flower arrangement sa parking lot ng isang simbahan sa Bonuan Gueset.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa katawan.

--Ads--

Matapos mapaputukan ang biktima, ay agad-agad ding nakaalis ang suspek.

Sinubukan siyang habulin ng sasakyan ng mga katrabaho ng biktima ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila ito inabutan.

Tinakbo naman agad sa ospital ang biktima subalit deneklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng pamamaril.