Patay ang isang 53 anyos na magsasaka matapos pagbabarilin sa barangay Diaz sa bayan ng Bautista dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa Bautista PNP ang biktima ay kinilala bilang si Leopoldo Atorres na residente ng Sitio Cuarenta, Brgy. Diaz sa naturang bayan.

Ayon sa imbestigasyon ang biktima ay nagpunta sa kaniyang sakahan upang tignan ang mga tanim nang biglang dumating ang mga hindi pa kilalang suspek at binaril ang biktima nang ilang beses sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan.

--Ads--

Agaran namang itinakbo ang biktima sa Bayambang District Hospital ng mga rumespondeng otoridad ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insedente.