DAGUPAN CITY —       Natagpuang wala ng buhay ang katawan ng isang 36 anyos na ama matapos magpatiwakal sa loob ng kanilang bahay sa barangay Vacante sa bayan ng Bautista.

        Ayon kay P/Lt Paul Vinsent Tadeo, chief of police ng Bautista PNP, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, ang biktima na kinilalang si Dante Mendoza  na magsasaka ay dumaranas umano ng depresyon dahil sa pagkakabaon sa utang matapos mawalan ng kabuhayan bukod pa sa sinasabing mayroong record sa barangay hinggil sa kaniyang misis na may third party bagay na itinaggi naman ng maybahay ng biktima.

        Lumabas sa autopsiya na walang nangyaring foul play sa insidente. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 7 meters nylon cord na ginamit ng biktima.

--Ads--

        Nabatid na ito na ang ikalawang insidente ng suicide na naitala sa bayan ng Bautista. Naunang nakapagtala ng suicide incident noong kasagsagan ng ECQ kung saan ang biktima ay isang kabataan sa may barangay Poponto na nakaranas din ng depresyon dahil sa love triangle.

        Samantala, inihayag naman ni Tadeo na dahil dito ay naglatag na ang kanilang hanay ng mga intervention para matulungan ang mga kababayang nakakaranas ng depresyon kung saan nakikipagugnayan sila sa lokal na Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at pinupuntahan ang mga depress barangay.

        Pakiusap ng hepe na kung nakakaranas ng depresyon ay maaaring magpunta sa mga barangay official upang humingi ng tulong. (with reports from Bombo Everly Rico)