DAGUPAN CITY- Pursigido ang isang Long-distance Walker sa Pilipinas na makamit ang record sa Guiness World of Record kaugnay sa kaniyang larangan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lito De Veterbo, pinaghahandaan niya ngayon ang paglalakad niya patungong Mindanao kung saan sinimulan niya ito sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Aniya, sa loob ng isang linggo ay natapos niyang lakarin ang Ilocos Norte patungong Ilocos Sur.

--Ads--

Matindi ang kaniyang ginagawang paghahanda sa pagsubok lalo na’t papalapit na ang panahon ng tag-init.

Kabilang sa kaniyang mga ginagawa ay ang mahahabang paglalakad at maging pagtakbo na rin tuwing tanghali upang sanayin ang sarili sa mainit na panahon.

Kaniya naman ibinahagi na palipat-lipat siya sa hotel, Barangay Hall, City o Municipal Hall, Police Stations, at sa kanilang bahay sa tuwing isinasagawa niya ang paglalakad.

Bagaman hindi niya maitangging magastos ito, nakahanda naman ang kaniyang pinansyal sa pamamagitan ng pag-iipon at sa tulong ng mga sponsor at donors.

Samantala, bago aniya ito simulan ay kinailangan niya ng validation mula Guiness upang maging opisyal ang kaniyang pagtatangkang makamit ang record.

Kinakailangan niya rin ng dokumentasyon bilang patunay na kaniyang ipinapakita sa Guiness.

Dagdag pa ni Veterbo, maliban sa world record, layunin niya rin itaas ang ‘environemntal awareness’.

Kabilang na sa kaniyang mga natapos sa naturang larangan ay ang kahabaan ng Marinduque sa loob ng 4 na araw, Isla ng Sibuyan sa Romblon, Isla ng Siquijor, at maging ang Singapor.

Malaki naman ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang pamilya sa pagtatangka niyang makamait ang naturang record.

Hinihikayat naman niya ang mga tao na nais siyang samahan at nagpaalala na lamang sa kinakailangang ihanda lalo na sa panlaban mula sa init ng panaho.