BOMBO DAGUPAN – Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang isang lolo at pamangkin nito sa bayan ng Binmaley sa lamay mismo ng kanilang kamag-anak na umabot sa hampasan at pananaksak.
Ayon kay PLt. Jimmy Vaquilar, Duty Officer, Binmaley Police Station sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay magkamag-anak ang dalawa sangkot sa insidente. Kung saan kinilala sila na si Alfonzo Sarmiento, 71 taong gulang at si Ritchie Avila, 38 taong gulang parehas na residente ng nasabing bayan.
Aniya ay pinagbintangan si Lolo Alfonzo ni Avila na flinatan ang gulong ng kanyang sasakyan at binantaan pa umano ito. Kaya’t nang nagtungo si lolo sa lamay ng kanilang kamag-anak ay nagdala siya ng kutsilyo. Nagkaroon nga ng argumento ang dalawa kung saan ay inilabas ni lolo ang dalang kutsilyo habang si Avila naman ay pinokpok ng upuan ang matanda.
Nagtamo ng sugat ang lolo samantala ay nagkaroon din ng sugat sa katawan si Avila na kasalukuyan pang nagpapagaling sa ospital.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Binmaley PS gayundin ang pagpapaigting sa pagpapatrolya sa kanilang bayan.
Dagdag pa niya na sa mga ganitong sitwasyon ay dapat na intindihin o pagpasensiyahan na lamang ang mga mas nakatatanda dahil higit na iba ang lakas ng bata kapag pinatulan pa.
Sa kasalukuyan ay kinukuha pa ang panig ni Avila habang pineprepara ang kaukaulang kaso laban sakanya.