Mga kabombo! Hindi na bago sa atin ang mga AI o Artificial Intelligence, pero paano na lamang kung ito pa pala ang maglalagay sa inyo sa bangungot na karansan?

Ito kasi ang nangyari kay Angela Lipps, isang lola mula Tennessee, matapos siyang arestuhin dahil sa umano’y bank fraud—kahit hindi pa siya kailanman nakapunta sa North Dakota.

Ayon sa impormasyon, noong Hulyo ng nakaraang taon, dinampot siya ng mga armadong pulis habang nagbabantay ng mga bata.

--Ads--

Nang tanungin umano kung ano nga ba ang basehan ng mga ito, isang facial recognition AI na nagsabing kahawig niya ang suspek sa serye ng panloloko sa bangko.

Ang nakakalungkot pa, sa kabila ng kakulangan ng matibay na ebidensya, ikinulong siya nang ilang buwan at inilipat pa sa ibang estado.

Ngunit kalaunan, napatunayang wala siyang kinalaman sa krimen—malinaw sa kanyang records na nasa Tennessee siya noong mga panahong naganap ang insidente.

Bagama’t ibinasura rin ang kaso, maituturing aniya nitong huli na ang lahat dahil nawala na ang kanyang bahay, mga alagang hayop, at peace of mind.