Mga Ka-bombo! Mayroon ka bang kinatatakutan?
Ano ang gagawin mo kapag magbabadya na itong habulin ka?
Tulad ng isang Locksmith sa United Kingdom kung saan siya’y nai-lock ng kaniyang aso sa kaniyang sariling sasakyan.
Isang nakakatuwang insidente kasi ang nangyari sa isang locksmith sa United Kingdom nang ma-lock ito sa kanyang sariling van dahil sa kaniyang alagang aso.
Si Peter Macann, isang 31-taong-gulang na locksmith mula Dereham, Norfolk, ay tumigil sa isang service station upang magpalagay ng hangin sa gulong ng kanyang van.
Ngunit nang bumalik siya, natuklasan niyang ang kanyang French bulldog ay aksidenteng naipindot ang central locking button, kaya’t hindi siya makapasok.
Sa kabila ng pagiging locksmith, hindi naisin ni Macann na humingi ng tulong mula sa ibang locksmith o mag-report sa kanyang customer.