DAGUPAN CITY- Isinasagawa tuwing ika-17 ng July hanggang ika-23 ng buwan ang National disability rights week upang palawakin pa ang kamalayan ng publiko at mabigyan ng pagkakataon na maibahagi ng mga miyembro ng persons with disability (PWD) ang kanilang kumunidad.

Ayon kay Jennifer Garcia, Provincial Head, Provincail Disablity Affairs Office Pangasinan (PDAO), na ang selebrasyon ay paraan upang bigyang pagkilala at mayakap ng publiko ang mga Karapatan ng pwd hindi lamang dito sa probinsya ngunit sa buong bansa.

Kaya naman kaugany dito ay mayroong mga inihandang programa at mga aktibidad ang tanggapan sa pakikipagtulungan na rin sa bawat local government unit ng probinsya gaya na lamang ng sports, health services, trainings, clean-up drive at iba pang mga aktibidad.

--Ads--

Ang National Disability Rights Week ay mahalaga dahil ito ay naglalayong itaguyod ang mga karapatan at dignidad ng mga taong may kapansanan.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, naide-deklara ang importansya ng pagkakapantay-pantay at pagrespeto sa mga indibidwal na may kapansanan.

Base sa tala ng tanggapan na nasa 65,386 na ang bilang ng mga rehistradong person with disability (PWD) sa probinsya.

Kaya naman panawagan nito iparehistro lamang ang kanilang pamilya na bahagi rito para sa mga programa at serbisyo na maaari nilang matanggap.