Patay ang isang lider ng gun for hire group sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang naganap na enkuwentro sa mga kapulisan sa barangay Salay, Mangaldan, Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/lt. Col. Jun Wacnag, Hepe ng Mangaldan PNP, kinilala ang suspek na Ricardo Siador Jr., isang lider ng gun for hire group sa lalawigan.

Nabatid na matagal nang minanmanan ang suspek.

--Ads--

Pero nang isilbi ang warrant sa suspek ng mga elemento ng Mangaldan Police ay nakatunog ito.

Nang makitang papalapit sa kanya ang mga pulis ay agad siyang nagpaputok Dahil dito nagkaroon ng palitan ng putok at siya ay tinamaan.

Dinala pa siya sa ospital pero ideneklarang dead on arrival.

Wala namang natamaan sa panig ng mga pulis.

Nabatid na ang suspek ay may standing warrant of arrest sa kasong pagpatay sa isang dating pulis na nakatalaga sa bayan ng Binalonan gamit ang hindi lisensyadong baril.