DAGUPAN CITY- Sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang natamo ng 36 anyos na lalaki na kinilalang si Vlademir Erfe matapos pagtatagain at pagsasaksakin ng grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman sa gilid ng kalsada sa bayan ng San Fabian.
Ayon kay PLT Fidel Mejia, duty officer ng San Fabian PNP, batay sa salaysay ng testigo, habang nag iinuman ang mga suspek nang mapadaan ang biktimang si Erfe na lasing at bigla na lamang nag amok ng away sa grupo ng mga nag-iinuman.
Hindi ito pinansin ng mga suspek pero nagbanta pa ang biktima na babalikan ang grupo.
Bago pa umalis ang biktima sa lugar nambato pa umano ito sa mga nag iinuman pero walang natamaan.
Bumawi naman ang mga suspek kaya’t sinubukan ding batuhin pabalik si erfe pero hindi rin ito natamaan.
Dahil diyan, napatakbo ang biktima at agad na nagsumbong sakanyang pamilya.
Agad namang rumesbak ang pamilya ng biktima at sinubukang komprotahin ang grupo ng mga nag-iinuman.
Pero imbes na mas maayos sitwasyon, mas uminit pa lalo tensyon sa pagitan ng dalawang panig kaya ng hindi na matantsa ng grupo ang paghahamon ng panig ng biktima dito na nangyari ang pananaksak at pannaga ng mga lalaki kay Erfe.
Dahil sa pananaksak at pananaga ng mga kalalakihan, Sugatan sa ibat ibang parte ng katawan ang natamo ng biktima.
Balot na balot din ng bandage ang kaliwang bahagi ng kamay ng biktima matapos din itong pagtatagain ng mga suspek.
Agad namang nakatakbo ang mga suspek sa crime scene.
Dahil sa insidente, Inihahanda na ng pulisya ang maaaring kaso laban sa mga suspek na posibleng maharap sa kasong Frustrated Homicide.
Sa ngayon, maswerteng nakaligtas ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling na sa pagamutan.