Isang lalaki sa Turkey ang may kakaibang talento sa kaniyang pagshoot ng bola sa basketball dahil nakapagtala siya ng kaniyang ikatlong Guinness World Record Title.

Nagawa ni Osman Gürcü, 42 anyos, na higitan pa ang kaniyang record na makapagshoot sa malayong distansya nang nakablindfold.

Ang dati niyang 60 feet na layo ay nahigitan ng kaniyang 65 feet and 7 inches.

--Ads--

Maliban pa diyan, hawak din ni Gürcü ang record na may pinakamalayong behind-the-backboard basketball shot na may layong 36 feet and 1.07 inches at pinakamalayong basketball bounce shot na may layo naman na 98 feet and 5 inches.

Aniya, simula pa noong siya ay bata pa nang magkaroon siya ng hilig sa trick shots tulad ng kaniyang mga record titles. At pinangarap niya din makahigit ng world record.