Mga Ka-bombo! mahilig ka bang maghagis ng iba’t-ibang bagay sa ere?
Ibahin niyo ang isang lalaki sa Turkey dahil sa kaniyang angking galing sa paghahagis ng palakol ay nagtamo ito ng isang pagkilala.
Nagtakda kasi ng bagong Guinness World Record ang Turkish na si Osman Gurcu matapos itapon ang palakol sa distansiyang 183 talampakan at 8.72 pulgada, na higit na mahaba kumpara sa nakaraang rekord na 143 talampakan na itinakda ni Jesse Rood mula sa Amerika.
Ang layo ng kanyang pagtatapon ay mas mahaba pa kaysa sa haba ng isang Olympic swimming pool.
Ito ang ikawalong rekord ni Gurcu sa Guinness World Records.
Ayon sa kanya, madalas siyang mag-check ng website at social media ng Guinness para sa mga bagong hamon, at pangarap niyang makita ang sarili sa mga pahina ng kanilang taunang libro.