Ano ang ginawa niyo para gunitain ang araw ng undas o ang Halloween?

Para kay Gary Kristensen, isang lalaking taga-Oregon, ang gumawa ng bangka gamit ang kaniyang malaking pumpkin o kalabasa at nakapagtala ng record sa Guinness.

Gamit ang kaniyang 1,214-pound pumpkin ay inukit niya ito hanggang sa maging bangka at sinubukan niya itong sakyan sa Columbia River kung saan umabot siya sa layong 45.67 miles.

--Ads--

Gayunpaman, hindi ito naging madali para sa kaniya dahil inabot pa siya ng 26 oras bago mahigitan ang 39-miles record.

Aniya, ang hangin at ang lagay ng katubigan ang nagpahirap sa kaniya bago makamit ang naturang record.

Upang marecord naman ang kaniyang pagtatangka ay inilagay niya lamang ang kaniyang camera sa walis at nagprint ng salitang “it’s real”.

Samantala,simula pa noong 2011 nang magsimula si Kristensen na magtanim ng mga kalabasa at paalkihin ito. At noong 2013 naman siyang nagsimulang gawing bangka ang mga ito at lumahok sa West Coast Giant Pumpkin Regatta kung saan nagwagi siya sa sunod-sunod na apat na taon.