Isang lalaki na ang nasawi sa Ireland habang daan-libong mga kabahayan ang nawalan ng kuryente sa United Kingdom dulot ng record-breaking na pagbugso ng hangin na dala ng Bagyong Eowyn.

Batay sa kapulisan, nahulugan umano ito ng puno habang nakasakay sa kaniyang kotse sa County Donegal, Gardai.

Samantala, nakapagtala ang Ireland ng pinakamalakas nitong pagbugso ng hangin na nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa 725,000 kabahayan at umaabot sa 138,000 na mga katao na nawalan ng tubig.

--Ads--

Inaabisuhan naman ang milyon-milyon residente na manatili sa kanilang bahay matapos umabt sa 100 mph ang pagbugso.