Muling nakamit ng isang lalaki sa Idaho, USA ang kaniyang Guinness World Record matapos maitusok ang 28 metal chopsticks sa isang archery target sa loob ng 1 minuto.

Hinigitan ni David Rush, o mas kilala bilang si Record Breaker Rush, ang kaniyang orihinal na record noong 2020 kung saan nagawa niyang maitusok ang 19 chopsticks sa loob ng 1 minuto.

Kalaunan ay tinalo din ito ng ibang record breaker na nakagawa ng 21 hits.

--Ads--

Ayon kay Rush, ang titulong ito ay mahirap makamtan dahil kinakailangan niyang tumayo sa layong 13 feet mula sa target at kailangan niyang matamaan ang nasa looban na kulay ng archery target upang mapabilang ang kaniyang tira.

Dagdag pa niya, ang kaniyang pagtangka sa record ay bunga ng kaniyang unang chopstick na tinamaan mismo ang bullseye.