18 taon nang makalipas nang madiskubre ng isang lalaki sa California na kabilang ang electric bill ng kaniyang kapitbahay sa binabayaran niya buwan buwan.

Naninirahan si Ken Wilson sa isang apartment simula noong 2006. Aniya, kamakailan niya lang napansin na lumalaki umano ang kaniyang binabayarang gas at electric bill.

Kaya bilang unang pagtugon, binawasan niya ang pagkonsumo ng mga ito subalit, hindi pa rin ito bumaba.

--Ads--

Kaya kaniyang inilapit na ito sa kaniyang pinagbabayaran. Agad din pinapunta ng kumpanya ang kanilang utility personel upang suriin ang metro ni Wilson at dun na nila nalaman na kabilang din pala sa kanilang sinisingil kay Wilson ang bayarin ng kaniyang kapitbahay.

Tinanggap naman ng kumpanya ang kanilang pagkakamali at kanilang tiniyak na pagtutuonan nila ng pansin upang ayusin ito.