Mga kabombo! Ingat-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong madulas ang kalsada.

Isang lalaki kasi sa China ang nag-viral matapos maipit ang kanyang ulo sa isang traffic light sa loob ng halos isang oras, matapos siyang sumalpok dito sakay ng kanyang electric scooter.

Ayon sa ulat, naganap ang kakaibang traffic ac­cident noong nakaraang buwan sa lungsod ng Chengdu.

--Ads--

Kung saan ang minamaneho ng lalaki na isang electric scooter ang bumangga sa isang temporary traffic light.

Dahil umano sa lakas ng pagkakabangga, naipit ang ulo ng lalaki sa loob ng traffic light, kaya kinailangang tawagan ang mga bumbero upang siya ay mailigtas.

Gayunman, hindi naging madali ang rescue operation.

Tumagal kasi ito ng halos 40 minuto bago nagupit ng mga first responders ang isang metal casing ng traffic light upang ligtas na mailabas ang ulo ng lalaki.

Matapos mailigtas, dinala ang lalaki sa pinakamalapit na ospital kung saan siya ay ginamot.

Sa kasalukuyan, ganap nang naka-recover ang lalaki at maaari nang lumabas ng ospital.